Tarlac National High School 950 Pesos Controversy

ADVERTISEMENT



Nahaharap sa imbestigasyon ang isa sa pinakamalaking pampublikong paaraan sa Tarlac City. Ang Tarlac National High School na pinamumunuan ni Mrs. Yolanda Gonzales.

Nagreklamo ang ilang mga magulang kay Tulfo sa TV 5 kaninang hapon Hunyo 2, 2017 na nagsasabing hindi makaka-enroll ang mga bata kung hindi magbabayad ng 950 pesos na para daw sa miscellaneous fee. Nakapanayan ni Mr. Tulfo ang punong guro na si Mrs. Gonzales kung saan raw napunta ang mga nasingil na pera sa mga estudyanteng mahigit 9,000 na kung pagsasama-samahin ang bayad ay aabot ito ng milyong piso. Sagot naman ng punong guro na walang katotohan ang mga paratang sa kanyang paaralan. Ngunit mariin naman na tinanong ni Mr. Tulfo na kung walang katotohanan ito ay bakit may mga resibo ang mga magulang at nakalagay na miscellaneous fee at walang nakaindicate kung para saan ito. Muling nagtanong si Mr. Tulfo at sa pagkakataong ito ay umamin ang principal kung nasaan ang mga pera, sagot nito ay nakadeposit raw ito sa school account at ito ay gagamitin lamang kapag may activities ang mga estudyante. Tinawagan ang DEPED Head ng Tarlac tungkol sa isyu at sinabing irefund daw lahat ng nagbayad ng 950 pesos bagama't ito ay may resibo naman.
ADVERTISEMENT


Tarlac National High School 950 Pesos Controversy Tarlac National High School 950 Pesos Controversy Reviewed by Rishika Tanwar on June 02, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.